all me!!:))

 so-relatable-blog:
Most relatable posts here!

 so-relatable-blog:
Most relatable posts here!
#fallback

 my—teen—quote:
Are you a teen? This blog is just for you!

 so-relatable-blog:
Most relatable posts here!
 Ako to?! …..have you ever felt strange? Yung feeling na parang di mo na marecognize ang sarili mo sa sobrang dami pagbabago na nangyari sayo.
Well suddenly i’m feeling like that..feeling na indifferent..parang paginaanalize ko sarili ko di ko na alam kung ano ba talaga yung mga bagay na gusto ko..minsan naiisip ko kung ito ba tlaga buhay na gusto ko.. siguro dahil na din sobrang nadedepress ako..tapos wala pa ako makausap about sa mga bagay na gusto ko sana ishare..dahil…..ok wala ako maituring na kaibigan talaga dito…feeling ko kasi lahat ng tao na nakikilala ko ngayon e pansamantala lang…yung mga tipo ng tao na parang dumadaan lang s buhay mo..yung ganon..o kaya naman kakaibiganin ka kasi me ibang pakay..haha Kaya siguro mas pinipili ko umiwas..kaya siguro mas gusto ko maging “loner” dito..pero nakakalungkot lang kasi dahil dito parang di na ako…..ako. Parang ang labo na ng topic ko..pero wala lang..parang ang topic na to ay ang isip ko..magulo din…..
**sa trabaho** Amp lang..halos lahat ng nakakausap ko sa telepono ay..uhmmm..sabihin na nating sobrang slow..kakasabi mo pa lang na wala..after 2mins tatawag na naman..kundi lang naman *tanga* ..pati oras ng pag call back nila itatanong pa sayo..e sabihin ko kaya na call back after you die??haha (promise gustong gusto ko sabihin yan)..ang ibang boss sobrang demanding..di marunong makinig sa reasons..e ang sarap lang kayabihampas sa pader para naman lumambot ng konti ung bungo nila..haha ow well masasabi ko na one year pa lang ako s work ko pero nagsasawa na ako..gusto ko ng iba trabaho..yung tipo ng trabaho n mauutilize ko ung skills ko..di yung maghapon ako nakaupo at nakikinig at nakikipag-buno sa mga *tangang* tao..hay…..
**sa bahay(pinas)** Hmmm..pano ko ba sasabihin ang bagay na di madali pagusapan para sakin..ok..here it goes…ang pamilya namin ngyon ay unstable..to the extent na merong gulo,sakitan,hiwlayan at marami pang gulo..in short chaotic…sabi ko na nga ba di ako komportable s topic na to..next topic please…..
**love life** Isa pa sa topic na medyo iniiwasan ko din..pero…sige na nga..siguro kelngan na din talaga.. Sa loob ng mahigit 4 na taon..to be exact ay 4 na taon at 9 buwan..madami ako pinagdaanan..isang taon na nasa long distance relationship..di madali….pano ko ba uumpisahan..well,feeling ko sobrang tagal na di ko na maisip kung san ba nagsimula..eto na lang..masaya naman ako sa relasyon na yun..kahit na feeling ko kadalasan ako ang nagdadala, ngsasacrifice,gumagawa ng paraan sa mga bagay bagay..wala naman problema na di kaya solusyonan nung una..hanggang dumating yung point na kinelangan namin maghiwalay kasi dumating yung chance na makapag trbaho ako kung nasaan ako ngayon..ayan dito na nagsimula ang lahat..ang hirap pala talaga hawakan ng relasyon pag hindi mo nakakasama ang taong mahal mo..sumulpot ang mga pagdududa..tamang hinala at kung ano ano pang issue na dati ay wala naman..oo sabihin na nating may skype,facebook,bbm at kung ano-ano pang social networking applications/site..pero ano nga ba naman ang magagawa nito??hindi mo pa rin naman makakasama ang taong gusto mo makasama..mahirap lalo na kung dati nasanay ka na lagi kayo magkasama..sabi nga nila mahirap baguhin kung ano talaga ang nakasanayan mo nga..sa relasyon na to natuto ako umiyak ng umiyak dahil sa away na kung tutuusin ay napaka babaw naman..dumaan pa ang mga buwan..unti- unti gumugulo lalo..slowly we were drifting further and further apart..mahal ko sya at mahal nya din naman ako pero bakit kaya di nagwork out??o hindi ko na mailagay kung ano pa yung iba reasons..pero basta yun na yun..hay ang hirap talaga ilabas pag yung issue ay di ka komportable..namalayan ko na lang tapos na yung iningatan kong relasyon..naramdaman ko na lang yung pagkawasak nun..ni wala na formal na usapan..basta na lang wala na..naisip ko nga..ganon lang ba talga kadali yun?? Parang ang tagal mo iningatan tapos ganon na lang..gigising ka na lang isa araw na iniisip mo na ano ba talaga nangyari?????
**buhay abroad** Oo masasabi ko nga na maswerte ako..dahil sa sobrang dami ng mga taong nghahangad at nakikipag sapalaran makapag trabaho lang abroad e nagibg isa ako sa mapapalad na nagkaron ng pagkakataon..kasama na din yung idea na kahit na ano gustuhin mo konting ipon lang..mabibili mo na..siguro yun na din yung nagiging outlet nung lahat ng kagaya ko na “OFW” (wow!) Kasi sa sobrang lungkot ng buhay ng malayo sa family,friends at kahit na din sa mga di mo kakilala sa bansa kung san ka nagmula..pagbili na lang ng mga “luho” ang pang bawi mo..pero come to think of it..oo masarap mabuhay sa ibang bansa kung ang paguusapan ay sweldo at luho..pero sa isang banda talo ka pa din dahil sa sobrang dami mo mamimiss na galaan,inuman,birthday,pasko, bagong taon,fiesta,binyag ng aso nyo..at lahat ng okasyon kasama ng mga kaibigan at pamilya mo..
Kaya eto ako ngyon ganito kagulo ang isip..pabago bago ng gusto..namimiss ko ang madaming bagay..namimiss ko lahat ng meron ako dati at kung ano ung “ako” dati..

 so-relatable-blog:
Most relatable posts here!

 these-times-will-pass:
Love quotes? you will love this blog!
(via my--teen--quote)

 (Source: makemestfu)

 my—teen—quote:
Are you a teen? This blog is just for you!
Boohoo…

 (Source: makemestfu)
| | navigation * Older * Newer * Archive * Random * RSS about following |